Me on Blogging

by - 8:52:00 PM


Good Morning! Okay. So I'm done checking Tumblr and reblogging.

I don't know if this was the right time to blog. Dapat kagabi ko 'to gagawin eh, kaso inaantok nako. Anyway, may tamang oras ba sa pagbblog? Kung habang naliligo ka eh may biglang pumasok sa utak mo, o di kaya habang kumakain, o tumatae? Wala sigurong tamang oras, kahit kelan pwede. Yet, there is a perfect time to blog. Last night was. Madami kasi laman ang utak ko kagabi, and sometimes, if I don't put it into words, makakalimutan ko lang. Minsan lang naman eh.

Kagabi I asked Ate Leyna if it's too late to blog. Wala lang, nafefeel ko lang kasi, ang tanda ko na. I should have done that before, nung mga oras na andami kong dapat isulat, andaming pumapasok sa isip ko. When I get to read someone's blog, nanghihinayang naman ako. Nakakainggit. Sana nagsulat nalang din ako. Masarap kasing magbasa ng sariling blog diba? Lalo na pag over ka na sa feeling mo nung sinulat mo yung blog na yun. Lalo na kapag sobrang antagal na, tapos bigla mong maalala yung mga kagaguhan mo tapos bigla ka nalang gugulong sa kakatawa. Eh pano kung sa present, malungkot ka? May dahilan ka nang tumawa diba? Sa mga panahong tulad nito, kinakausap ko ang sarili ko, nafefeel kong ang sarap magsulat magsulat ng blog. Sabi nga ng partner ko, parang Pocket of Memories ang pagbblog. Sa mga panahong ayaw mong kalimutan, try mong isulat at nang may madudukot ka in the future. (hindi naman nagsusulat ng blog yun, gusto niya lang akong magsulat at nang sakin siya may madudukot pag may nakakalimutan siya.) Nakakainis nga lang. Pas feel ko nang magsulat, hindi ko naman alam kung panu sisimulan. I can't even arrange the thoughts on my mind. Hindi naman pwedeng magsulat ka nalang ng magsulat na parang encoder ng utak mo, kung anong dinidictate eh isulat mo nalang din. Panu mo naman maiintindihan yun? Kaya inaabot ko ng ilang oras sa pagsusulat ng blog eh. Di naman kasi ako magaling dito. Isa yun sa mga frustrations ko, kaya hanggang photoblogs lang ako. Mabenta sakin ang Tumblr. Dahil nasasabi ko ang kahit anong gustong kong sabihin, minsan nakakatuwa kasi yung iba na ang magsasabi nun para sayo. I rereblog mo nalang. Tapos maiisip mong di ka pala nag-iisa. Nakakapawi talaga ng boredom at depression ang tumblr. Kaya nga minsan nung depress ako masyado, sabi ni Ate Leyna, "tumblr ka nalang muna."

Ay oo nga pala, so anong sagot ni Ate nung tinanong ko siya? Sabi niya hindi pa daw too late. Dahil siya nga 28 na. Pero sabi ko syempre 28 na siya pero established na! Madami nang laman ang bulsa ng memorya niya. Ako, @ 22, magsisimula pa lang. Pero naisip ko, kung magsisimula naman ako ngayon, madami narin akong maiilagay sa bulsa ko pagkatapos ng anim na taon. Pagdating ko ng 28, magiging katulad narin ako ni Ate Leyna. =) At ni Ana at ng lahat ng mga idol ko sa blogging!!

Kaya ngayon, magsisimula ako ulit. =) Magsusulat ako ng magsusulat. Hindi ko nalang iisipin yung ilang taong nasayang ko. Yung ilang memoryang naitapon ko. Kung talaga namang hindi dapat kalimutan ang memoryang yun, hindi mo naman makakalimutan. Lalo na pag masaya yun. Eh ano ngayon kung makalimutan mo yung date? yung kung ano yung suot mo nung araw na yun? Hindi naman siguro importante ang mga maliliit na detalye. Ang importante naaalala mong nangyari yun.

Someone once said, it's the good girls who keep diaries. The bad girls never have the time. Me, I just wanna live a life I'm gonna remember. Even if I don't write it down.

-Brooke Davis, One Tree Hill

MAGSUSULAT PARIN AKO! =)

You May Also Like

0 comments

Thank you so much for checking on my posts! I appreciate every comments made! Love yah!

Instagram

//]]>